Nanay: wow! Nag-eat ka ng hamburger? Sinong nagluto?
Miguel: si Ate Aiza!
Nanay: ambait nmn ni Ate Aiza. Thank you Ate Aiza! Masarap ba ang
hamburger ni Ate Aiza?
Miguel: hindi Nanay, SUNOG!
Hiyang-hiya naman ako sayo!
= = = = =
Friday night:
Miguel: Nanay, san Mama Lynda?
Me: nasa house nya sa Gudaibiya, kasama si Ninong Vennice.
Miguel: sa mall?
Me: Hindi. Hindi nmn napunta ng mall si Mama mag-isa. Napunta lng
nmn si Mama sa mall pag kasama kayo ni Ate Ineng.
Miguel: wala sa mall?
Me: wala! Nasa house lang si Mama.
Miguel: PEYS GOD! (Praise God!)
Akala nya kase nalamangan na naman siya!
= = = = =
Miguel calling Ate Aiza:
Miguel: Ate Aiza!
Ate Aiza: (hindi sumagot)
Miguel: ATE!
Ate Aiza: (hindi pa rin sumagot)
Miguel: AIZA!
Ate Aiza: (lalung hindi sumagot)
Miguel: ‘DAY!!!
Ate Aiza: anong sabi mo?
Ikaw kase Ate Aiza, dapat isang tawag lang sasagot ka na!
= = = = =
Miguel: Nanay, sabi ni Nong Vennice, “DIGS?!” daw!
= = = = =
Pag-aalis kami ni Eric ng bahay at alam nyang hindi sya
kasama:
Miguel: Nanay, alis kayo ni Tatay. Di ako sama no?! kase
night na!
OR
Miguel: Nanay, alis kayo ni Tatay. Di ako sama no?! kase
ambon! Sipon ako!
Pampalubag loob!
= = = = =
Meryenda time:
Nanay: Anak, gusto mo ba ng yakisoba?
Miguel: Ano yun Nanay? Hindi ko alam yun Nanay eh!
= = = = =
Miguel: Nanay, si Mama nood sa laptop ng Shofatid!
Tawag kase namin sa teleserye na “Ina, Kapatid, Anak” –
“Mudra, Shofatid, Junakis”
= = = = =
Kausap ko si Miguel sa celfone ni Eric:
Me: Good morning Anak!
Miguel: A-G-U ka ba Nanay?
Me: Yes, anak. Nasa A-G-U na si Nanay.
Miguel: Ako, dito lang bahay natin. Sakhir lang ako Nanay.
Me: Yes, anak! Good boy ka lang dyan sa bahay natin ha! Ano
bang ginagawa mo dyan?
Miguel: Kain ako cereal with milk, Nanay! Sige na ha! Pindot
ko na celfone ni Tatay! Bye! Ingat! GOD bless! Labyu. (pindot-pindot)
Miguel: Alin ba dito pindot ko Nanay? Itong RED ba?
Me: Opo, yung RED!
Miguel: - TOOT -
= = = = =
Me: Anak, anong gusto mong ulam?
Miguel: PAKSIW BANGUS!
= = = = =
Me: Anak, anong pinapanood mo?
Miguel: Di mo alam to Nay! Arabic to!
= = = = =
Habang pinapatulog ko sya at magkatabi kami sa kama:
Miguel: Nanay, love mo ba ako?
Kung alam mo lang anak!
= = = = =
No comments:
Post a Comment