Last Wednesday (May 30, 2012) was sobrang stress-drilon!!!
At around 10:40-ish ng umaga, tumawag si Aiza sa akin.
“baby” lng sya ng “baby” pero di makapagsalita, pero ramdam ko na sa boses nya
na something bad happened. Ambilis ng isip ko, naisip ko agad baka nahulog si
Tutoy sa hagdan or naipit ang kamay, naputol, ganyan! Hay naku talaga. So I
asked Aiza calmly kung anong nangyari. Eto na:
Aiza: BABY, SI MIGUEL NASA LOOB NG BANYO! NI-LOCK NYA UNG
PINTO, HINDI KO MABUKSAN!
Hysterical si Aiza, umiiyak din.
Buti na lang kalmado ako, pero I can hear Miguel crying at
the background, “Ate, open” ng “Ate, open” – gusto ko ng takbuhin from Salmaniya to Sakhir,
nagre-ready na ko kaya lang napa-isip ako, teka 25kilometers din yun ah! Kaya sabi
ko na lang ke Aiza, ibigay nya na lang sakin yung number ni Abdul Nabi - ung
in-charge na maintenance sa area namin, sya ang may hawak ng lahat ng master
keys - nag-print kase ako ng mga important numbers in case of emergency nga,
nakadisplay malapit sa altar namin, pagkabigay nya ng number, I asked Aiza to
calm down and just talk to Miguel, para alam ng bata na andun lang sya, huwag
syang umiyak kase pag narinig ni Miguel na umiiyak sya lalung matatakot ung
bata. Then I called Eric muna. Sabi ko lang (kalmado pa rin ako) “Tay, uwi ka muna sandali kase si Tutoy nasa loob ng banyo
nag-lock ng pinto, naiwan si Aiza sa labas, ngayon di nila mabuksan”. Then I
called Abdul Nabi, sinabi ko ung situation and requested him to come to the
house as fast as he can.
Then I called Aiza again, I told her that Eric and Abdul
Nabi are on their way, umiiyak pa rin sya, at paulit-ulit na:
Aiza: Baby, si Tutoy ko nasa loob, umiiyak. Kawawa ang Tutoy
ko. (repeat 100times).
Then I called Eric naman to ask kung nasaan na sya, driving
na daw. Galit na galit! Sigurado daw pinabayaan ni Aiza mag-isa pumasok sa
banyo, hindi daw sila magkasabay. Pinacify ko na lang din si hubby and told him
na “huwag ng sermonan si Aiza, hindi rin naman nya ginusto yun, at mukhang
na-trauma din sya sa nangyari and now she learned na her lesson”. Sabi ko, ako
na lang ang kaka-usap pag malumanay na ang lahat. Kaya Aiza, humanda ka! (joke)
Maya-maya I called Aiza naman, unang tawag ko di sya
sumagot, so I knew somebody was there already to help her. Tawag ako ulit,
sumagot na sya, malumanay na ang boses nya. Tahan na si Miguel pero rinig ko pa
yung hikbi nya.
Kawawa naman ang anak ko. Pero mas kawawa ako kase I was not
there to help him. I WAS NOT THERE! iyon yun eh! In times like these, winiwish
ko na sana manalo kami ng 100million sa lotto para sa bahay na lang ako, at ako
na ang mag-alaga sa anak ko. I won’t say na hindi mangyayari ito (na makulong
sya sa banyo) kung ako ang nag-aalaga sa kanya, but at least I will be there.
ako ang una nyang makikita pagkalabas nya ng banyo, ako ang unang yayakap sa
kanya… hahahay… #buhaynganamanngworkingmom
Eh di ayun, andito ako sa office while thinking kung anong
nangyayari sa bahay. Tapos parang lumaki yung ulo ko, sumakit sa kaka-isip. At
12noon uuwi na sana
ako, kaya lang wala daw transport pauwi ng 12noon, mamayang 1pm pa daw. Pootek
talaga oh!
At 1:30pm, I reached home. Natutulog na ang mag-yaya. At
mukhang napaliguan naman na si Miguel. Akala ko makakatulog din ako, kase nga
pakiramdam ko anlaki ng ulo ko. Naamoy ata ako ni Miguel, nagising ang bagets.
And we played as if walang karumal-dumal na nangyari kani-kanina lang.
Then Aiza narrated the whole story. Galing daw sila ng kwarto
ni Miguel, kinuha yung towel dahil papaliguan na nga nya si Tutoy. Magkasabay
naman daw sila, kaso paglabas nila ng pinto ng kwarto papunta ng banyo, sumabit
daw ang hood ng tuwalya ni Miguel sa handle ng pinto ng kwarto kaya naiwan sya
ng konte, at ayun sumigalpot na ng pasok ng banyo ang bagets sabay lock! Ayun,
ay di nakuha mo! (Note: habang
nagku-kwento si Aiza, sumasabat si Miguel ng mga words na “lock” “iyak” at eto
matindi “waak”, with arteng sumusuka, so I asked Aiza “sumuka sya?” OO daw.)
Hindi ko naman sya masisisi, sobrang likot talaga ni Miguel
at pag sinabi mong wash na tayo or bath na tayo, mauuna na syang tatakbo sa
banyo. Sabi ko ke Aiza, to just be extra careful next time. So ayun, finally
ginamit na yung binili kong safety door stopper! Andun naman kase yun for the
longest time pero bakit ba hindi magamit-gamit. At eto pa! andali lang palang
buksan ng lekat na pinto ng banyo na yun! 100fils lng pala ang susi nun!
Well, everybody learned a lesson here. At ang importante
okay na okay ang anak ko. Kase ung isip ko nung nalaman kong nasa banyo sya,
baka may tubig sa bath tub at mahulog sya tapos malunod, or baka basa ang sahig
madulas mabagok ang ulo, or mahulog sa bowl, haay, kaya sumakit ang ulo ko,
puro nega ang naisip ko.
Sobrang thank you Lord, for making my Miguel safe.