Thursday, 27 June 2013

June 27, 2013



Talked to Miguel on the phone:

Me: Ba-bye!
Miguel: Ba-bye!

Me: I love you!
Miguel: I love you!

Me: I miss you!
Miguel: I miss you!

Me: Ingat! God bless!
Miguel: Ingat! God bless!

Me: Be a good boy dyan sa house!
Miguel: Be a good girl dyan sa AGU!


attentive… akala ko copy-paste lang …


Tuesday, 4 June 2013

June 5, 2013

Miguel: Nanay, ang asawa ba ni Papa Jesus - si Mama Mary?
Me: No! Anak! si Mama Mary NANAY ni Papa Jesus. Wala Siyang asawa.
Miguel: Ahhh! wala Siya asawa kase GOD siya, di ba?!

shocking! alam na niya ang "asawa" at "GOD"... very good anak!

Monday, 20 May 2013

May 20, 2013

Bumaba kami kanina ni Miguel sa cold store. Paglabas namin:

Miguel: sabi ko sayo Nanay, mainit!
Me: eh ano bang sinabi ko sayo?
Miguel: sabi mo "HINDI! HINDI! LAMIG NA, KASE 5(PM) NA!"

=====

While calling Eric, lumabas sa phone ko ung advise na less than 500 fils na lang ang load ko:

Miguel: Nanay, wala ka na daw load! Mag-Viber ka na lang!

Sunday, 24 March 2013

Miguel at Two and a half



Nanay: wow! Nag-eat ka ng hamburger? Sinong nagluto?
Miguel: si Ate Aiza!
Nanay: ambait nmn ni Ate Aiza. Thank you Ate Aiza! Masarap ba ang hamburger ni Ate Aiza?
Miguel: hindi Nanay, SUNOG!

Hiyang-hiya naman ako sayo!

= = = = =

Friday night:

Miguel: Nanay, san Mama Lynda?
Me: nasa house nya sa Gudaibiya, kasama si Ninong Vennice.
Miguel: sa mall?
Me: Hindi. Hindi nmn napunta ng mall si Mama mag-isa. Napunta lng nmn si Mama sa mall pag kasama kayo ni Ate Ineng.
Miguel: wala sa mall?
Me: wala! Nasa house lang si Mama.
Miguel: PEYS GOD! (Praise God!)

Akala nya kase nalamangan na naman siya!


= = = = =

Miguel calling Ate Aiza:

Miguel: Ate Aiza!
Ate Aiza: (hindi sumagot)
Miguel: ATE!
Ate Aiza: (hindi pa rin sumagot)
Miguel: AIZA!
Ate Aiza: (lalung hindi sumagot)
Miguel: ‘DAY!!!
Ate Aiza: anong sabi mo?

Ikaw kase Ate Aiza, dapat isang tawag lang sasagot ka na!

= = = = =

Miguel: Nanay, sabi ni Nong Vennice, “DIGS?!” daw!

= = = = =

Pag-aalis kami ni Eric ng bahay at alam nyang hindi sya kasama:

Miguel: Nanay, alis kayo ni Tatay. Di ako sama no?! kase night na!

OR

Miguel: Nanay, alis kayo ni Tatay. Di ako sama no?! kase ambon! Sipon ako!

Pampalubag loob!

= = = = =

Meryenda time:
Nanay: Anak, gusto mo ba ng yakisoba?
Miguel: Ano yun Nanay? Hindi ko alam yun Nanay eh!

= = = = =

Miguel: Nanay, si Mama nood sa laptop ng Shofatid!

Tawag kase namin sa teleserye na “Ina, Kapatid, Anak” – “Mudra, Shofatid, Junakis”

= = = = =

Kausap ko si Miguel sa celfone ni Eric:

Me: Good morning Anak!
Miguel: A-G-U ka ba Nanay?
Me: Yes, anak. Nasa A-G-U na si Nanay.
Miguel: Ako, dito lang bahay natin. Sakhir lang ako Nanay.
Me: Yes, anak! Good boy ka lang dyan sa bahay natin ha! Ano bang ginagawa mo dyan?
Miguel: Kain ako cereal with milk, Nanay! Sige na ha! Pindot ko na celfone ni Tatay! Bye! Ingat! GOD bless! Labyu. (pindot-pindot)
Miguel: Alin ba dito pindot ko Nanay? Itong RED ba?
Me: Opo, yung RED!
Miguel: - TOOT -

= = = = =

Me: Anak, anong gusto mong ulam?
Miguel: PAKSIW BANGUS!

= = = = =

Me: Anak, anong pinapanood mo?
Miguel: Di mo alam to Nay! Arabic to!

= = = = =

Habang pinapatulog ko sya at magkatabi kami sa kama:
Miguel: Nanay, love mo ba ako?

Kung alam mo lang anak!

= = = = =

Thursday, 7 March 2013

lo-bat



Kanina, I was talking to Miguel on the phone when my boss called me up… sabi ko Miguel, “anak, bye-bye muna ha?! Tawag ako ng boss ko.” But my boy doesn’t want to put down the phone. So I hung up on him… (I know, very bad!)… so pagtapos ko sa boss ko, I called up Miguel again…

Miguel: Hello, Nanay!
Me: Hello Anak!
Miguel: Nanay, pinindot mo ba cellphone mo?
Me: (sooo guilty) Sorry Anak ha?! Kase tinawag ako ng boss ko eh. Sorry po ha?!
Miguel: Baka lo-bat ang cellphone mo Nanay, i-charge mo na!

Parang dinudurog ang puso ko… I’m really very sorry Anak for hanging up on you… 
sobrang guilty pa rin ako up to now…

Thursday, 8 November 2012

Mik



Isang hapon...

Miguel: Nanay, mik! (*milk)

ang Nanay hindi nai-ingle kase nag-a-iphone…

Miguel: NANAY, SABI TUTOY MIK!!!