Time really flies when you’re having fun. Parang kahapon lang nasa ospital kami ni Mama while waiting for Miguel’s grand entrance, ngayon HE.IS.18.MONTHS.OLD.NA!
At 18 months, alam na nya ang mga bagay-bagay:
Pag sinabi mong labas tayo, mauuna pa syang pumunta sa pintuan…
Pag sinabi mong mag-bath na tayo, pupunta na sya sa banyo…
Pag sinabi mong sleep na tayo, iiling sya, sabay sabing “NO!” may kasama pang daliri yun ha!
Tinatapik nya ang pwet nya at nagsasabi ng “poo-poo”… kahit ut*t lng yun!
Mas gusto na nyang uminom sa baso. Ayaw na nya sa sippy cup or sa straw.
Marunong na syang kumanta, kahit pa-hum-hum, may mataas at mababang notes yun ha!
Tinatawag na nya akong Nana, pero si Eric “BHI” pa rin… (my bad!)
Nagbaba-bye na sya pag umaalis kami para pumasok sa opisina, din na sya naiyak at nahabol!
Minsan pag tinanong mo, sasabihin nya “aaahhhmmm”, akala mo nag-iisip muna bago sumagot… kaloka!
3 consecutive nights na syang hindi gumising sa madaling araw para dumede…
Eto nmn ang vocabulary nya at 18 months:
Nana (Nanay)
Tata (Tatay)
Te (Ate)
Mama
Mi (Mama Mary)
Ne (Ineng)
Nes (Ninong Vennice)
Ama (si Azuma, ung kapitbahay naming arabo na playmate nya)
Eat
Hot
No! (kasama pa daliri nya!)
Juice
Shoes
Peper (slippers)
Pis (Fish/Face/Please – I know the difference)
Koko – color
Mimi (milk)
Bebe (angry bird)
Arga (Karga)
Iyu (Hello)
Bo (Ball)
Bobow (Rainbow)
Yayaw (Ayaw)
Maya-maya (Later)
A-mo (one more)
Nus (Nose)
S*s* (breast)
T*t* (yup! iyon na nga yun!)
Yab-yu! (fresh na fresh to! As in kahapon lang!)
Ambilis talag ng panahon… Big boy na ang baby ko… Nakakatuwang nakaka-iyak…