Monday 11 June 2012

BATAAAAA!!! EYT!


Kahapon ng hapon (pa-ulit-ulit lang) habang nakasilip kami ni Tutoy sa bintana:
Me: Tingnan mo Miguel oh, may mga batang nagba-bike sa baba.
Miguel: (shouted at the top of his lungs) BATAAAAA!!! (akala mo sya hindi bata eh!)

Eh di bumaba kami kesa magsisigaw ang bagets. We saw Hassan, his playmate:
Me: Dalian mo, ayan naiwanan na tayo ni Hassan. Tawagin mo dali, sabihin mo “wait”.
Miguel: (sumigaw na nmn) ASAN! EYT! (may hand gesture pa yan!)

 There's only one smart child in the world, and every mother has it.

Sunday 3 June 2012

art attack episode 1

Miguel is into Art Attack these days. pag nakahawak yan ng panyo, ilalatag sa sahig sabay sabing "TATATAK" (art attack daw!) Alex the Big Artist lang ang peg. so last Friday, nag art attack kami. i thought of painting session. i just mixed flour to warm water, divided into containers then added food color. safe. para kahit kainin nya ok lang...





i also cut potato in different shapes.





and this is my Miguel in action. tuwang-tuwa ang bagets! ang sarap ng feeling.









at dahil baka magalit si Tatay, this one is for you.




until our next session Tutoy.

Saturday 2 June 2012

ang batang malikot nakukulong sa banyo! bow!


Last Wednesday (May 30, 2012) was sobrang stress-drilon!!!

At around 10:40-ish ng umaga, tumawag si Aiza sa akin. “baby” lng sya ng “baby” pero di makapagsalita, pero ramdam ko na sa boses nya na something bad happened. Ambilis ng isip ko, naisip ko agad baka nahulog si Tutoy sa hagdan or naipit ang kamay, naputol, ganyan! Hay naku talaga. So I asked Aiza calmly kung anong nangyari. Eto na:

Aiza: BABY, SI MIGUEL NASA LOOB NG BANYO! NI-LOCK NYA UNG PINTO, HINDI KO MABUKSAN!

Hysterical si Aiza, umiiyak din.

Buti na lang kalmado ako, pero I can hear Miguel crying at the background, “Ate, open” ng “Ate, open” – gusto ko ng takbuhin from Salmaniya to Sakhir, nagre-ready na ko kaya lang napa-isip ako, teka 25kilometers din yun ah! Kaya sabi ko na lang ke Aiza, ibigay nya na lang sakin yung number ni Abdul Nabi - ung in-charge na maintenance sa area namin, sya ang may hawak ng lahat ng master keys - nag-print kase ako ng mga important numbers in case of emergency nga, nakadisplay malapit sa altar namin, pagkabigay nya ng number, I asked Aiza to calm down and just talk to Miguel, para alam ng bata na andun lang sya, huwag syang umiyak kase pag narinig ni Miguel na umiiyak sya lalung matatakot ung bata. Then I called Eric muna. Sabi ko lang (kalmado pa rin ako) “Tay, uwi ka muna sandali kase si Tutoy nasa loob ng banyo nag-lock ng pinto, naiwan si Aiza sa labas, ngayon di nila mabuksan”. Then I called Abdul Nabi, sinabi ko ung situation and requested him to come to the house as fast as he can.

Then I called Aiza again, I told her that Eric and Abdul Nabi are on their way, umiiyak pa rin sya, at paulit-ulit na:

Aiza: Baby, si Tutoy ko nasa loob, umiiyak. Kawawa ang Tutoy ko. (repeat 100times).

Then I called Eric naman to ask kung nasaan na sya, driving na daw. Galit na galit! Sigurado daw pinabayaan ni Aiza mag-isa pumasok sa banyo, hindi daw sila magkasabay. Pinacify ko na lang din si hubby and told him na “huwag ng sermonan si Aiza, hindi rin naman nya ginusto yun, at mukhang na-trauma din sya sa nangyari and now she learned na her lesson”. Sabi ko, ako na lang ang kaka-usap pag malumanay na ang lahat. Kaya Aiza, humanda ka! (joke)

Maya-maya I called Aiza naman, unang tawag ko di sya sumagot, so I knew somebody was there already to help her. Tawag ako ulit, sumagot na sya, malumanay na ang boses nya. Tahan na si Miguel pero rinig ko pa yung hikbi nya.

Kawawa naman ang anak ko. Pero mas kawawa ako kase I was not there to help him. I WAS NOT THERE! iyon yun eh! In times like these, winiwish ko na sana manalo kami ng 100million sa lotto para sa bahay na lang ako, at ako na ang mag-alaga sa anak ko. I won’t say na hindi mangyayari ito (na makulong sya sa banyo) kung ako ang nag-aalaga sa kanya, but at least I will be there. ako ang una nyang makikita pagkalabas nya ng banyo, ako ang unang yayakap sa kanya… hahahay… #buhaynganamanngworkingmom

Eh di ayun, andito ako sa office while thinking kung anong nangyayari sa bahay. Tapos parang lumaki yung ulo ko, sumakit sa kaka-isip. At 12noon uuwi na sana ako, kaya lang wala daw transport pauwi ng 12noon, mamayang 1pm pa daw. Pootek talaga oh!

At 1:30pm, I reached home. Natutulog na ang mag-yaya. At mukhang napaliguan naman na si Miguel. Akala ko makakatulog din ako, kase nga pakiramdam ko anlaki ng ulo ko. Naamoy ata ako ni Miguel, nagising ang bagets. And we played as if walang karumal-dumal na nangyari kani-kanina lang.

Then Aiza narrated the whole story. Galing daw sila ng kwarto ni Miguel, kinuha yung towel dahil papaliguan na nga nya si Tutoy. Magkasabay naman daw sila, kaso paglabas nila ng pinto ng kwarto papunta ng banyo, sumabit daw ang hood ng tuwalya ni Miguel sa handle ng pinto ng kwarto kaya naiwan sya ng konte, at ayun sumigalpot na ng pasok ng banyo ang bagets sabay lock! Ayun, ay di nakuha mo!  (Note: habang nagku-kwento si Aiza, sumasabat si Miguel ng mga words na “lock” “iyak” at eto matindi “waak”, with arteng sumusuka, so I asked Aiza “sumuka sya?” OO daw.)

Hindi ko naman sya masisisi, sobrang likot talaga ni Miguel at pag sinabi mong wash na tayo or bath na tayo, mauuna na syang tatakbo sa banyo. Sabi ko ke Aiza, to just be extra careful next time. So ayun, finally ginamit na yung binili kong safety door stopper! Andun naman kase yun for the longest time pero bakit ba hindi magamit-gamit. At eto pa! andali lang palang buksan ng lekat na pinto ng banyo na yun! 100fils lng pala ang susi nun!



Well, everybody learned a lesson here. At ang importante okay na okay ang anak ko. Kase ung isip ko nung nalaman kong nasa banyo sya, baka may tubig sa bath tub at mahulog sya tapos malunod, or baka basa ang sahig madulas mabagok ang ulo, or mahulog sa bowl, haay, kaya sumakit ang ulo ko, puro nega ang naisip ko.

Sobrang thank you Lord, for making my Miguel safe.