Thursday, 15 March 2012

Miguel at 18!

Time really flies when you’re having fun. Parang kahapon lang nasa ospital kami ni Mama while waiting for Miguel’s grand entrance, ngayon HE.IS.18.MONTHS.OLD.NA!

At 18 months, alam na nya ang mga bagay-bagay:

Pag sinabi mong labas tayo, mauuna pa syang pumunta sa pintuan…

Pag sinabi mong mag-bath na tayo, pupunta na sya sa banyo…

Pag sinabi mong sleep na tayo, iiling sya, sabay sabing “NO!” may kasama pang daliri yun ha!

Tinatapik nya ang pwet nya at nagsasabi ng “poo-poo”… kahit ut*t lng yun!

Mas gusto na nyang uminom sa baso. Ayaw na nya sa sippy cup or sa straw.

Marunong na syang kumanta, kahit pa-hum-hum, may mataas at mababang notes yun ha!

Tinatawag na nya akong Nana, pero si Eric “BHI” pa rin… (my bad!)

Nagbaba-bye na sya pag umaalis kami para pumasok sa opisina, din na sya naiyak at nahabol!

Minsan pag tinanong mo, sasabihin nya “aaahhhmmm”, akala mo nag-iisip muna bago sumagot… kaloka!

3 consecutive nights na syang hindi gumising sa madaling araw para dumede…


Eto nmn ang vocabulary nya at 18 months:

Nana (Nanay)

Tata (Tatay)

Te (Ate)

Mama

Mi (Mama Mary)

Ne (Ineng)

Nes (Ninong Vennice)

Ama (si Azuma, ung kapitbahay naming arabo na playmate nya)

Eat

Hot

No! (kasama pa daliri nya!)

Juice

Shoes

Peper (slippers)

Pis (Fish/Face/Please – I know the difference)

Koko – color

Mimi (milk)

Bebe (angry bird)

Arga (Karga)

Iyu (Hello)

Bo (Ball)

Bobow (Rainbow)

Yayaw (Ayaw)

Maya-maya (Later)

A-mo (one more)

Nus (Nose)

S*s* (breast)

T*t* (yup! iyon na nga yun!)

Yab-yu! (fresh na fresh to! As in kahapon lang!)



Ambilis talag ng panahon… Big boy na ang baby ko… Nakakatuwang nakaka-iyak…

Wednesday, 14 March 2012

Nana, yab yu!

today i called Miguel and we talked for quite some time... well actually, sya lng ang salita ng salita, inuulit ko lng ang mga sinasabi nya... then i heard Aiza said, "ba-bye na sa Nanay, sabihin mo I LOVE YOU"... Miguel said "Nana, yab yu!"... aaawww... pakipunasan nga ang luha ko... pasensya na, first time eh...

I LOVE YOU TOO VERY, VERY MUCH ANAK!

it ba!

yesterday i was talking to Miguel on the phone and asked:
Nana: anong ginagawa mo?
Miguel: it ba!

(translation: i'm watching eat bulaga!)

Tuesday, 28 February 2012

Miguel's first two-word phrase

Miguel said his first two-word phrase last night. While holding the telephone receiver he uttered "I-YU! MAMA". sooo cute!

*I-YU for hello!

Thursday, 16 February 2012

big boy Miguel




















16/02/2012
taken by: ate aiza
ate aiza: "tayo ka dyan, tapos hawakan mo ang motor mo"

Saturday, 24 December 2011

Merry Christmas!!!

Sending our warmest Yuletide wishes!
May God shower His choicest blessings on you and your family this Christmas!

Thursday, 17 November 2011

barubang...

nung monday ng hapon pag-uwi ko, nasa labas si Miguel at Aiza... so laro-laro muna kami... maya-maya may dumating na 3 year old boy, arabo, di marunong mag english, may dalang bola... si Miguel hinabol ung bata para makuha si bola, takbo din ung bata ayaw pahiram ung bola... nung naabutan ni Miguel, inagaw ung bola, inilapag sa sahig at sinipa palayo... oh db?! barubang!


barubang (or baros) adjective, batangas word for "siga" as in mapaghamon ng away...